CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang tauhan ng Philippine Army (PA) ang napatay ng mga rebelde habang nakikipamiyesta sa Barangay Cabiguan sa Pilar, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Epifanio Millares y Fernandez, 43, sundalong nakatalaga sa Mapaso CAFGU Active Auxiliary (CAA) detachment sa Irosin, Sorsogon; at Sgt. Zaldy Cristobal y Austria, 40, isang army detachment commander sa Mandaon, Masbate.

Sinabi ni Calubaquib na pauwi na ang mga biktima galing sa piyestahan sa Bgy. Cabiguan, nang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki dakong 2:20 ng hapon nitong Sabado.

Hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga suspek. (Niño N. Luces)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog