Ngayong Araw ng Kalayaan, naghanda ng simpleng programa ang lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT) community.

Ang Rosario, tinatawag ding Salinas, ay kinikilala bilang “Gay Capital of the Philippines” kung saan, mula noon hanggang ngayon, binibigyan ng kalayaan at suporta ang mga miyembro ng LGBT mula sa municipal government.

Ang pinakamakasaysayang kaganapan sa Cavite ay noong ihayag ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa munisipalidad ng Kawit.

“Hindi maitatangging malaki ang partisipasyon ng LGBT sa ating lipunan, lider man sila o simpleng mamamayan,” pahayag ni Jose Ricafrente Sr.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

“Ang programang ito na ‘Independence Gay,’ kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day, ay kaisa ang ating adhikain na mabigyan ng kalayaan ang LGBT sa hanapbuhay. Kaya naman kami sa Rosario, ang gusto naming ay pantay-pantay ang pagtingin sa tao, nabibilang ka man sa hanay ng LGBT. Malaking tulong sila (LGBT) sa pamayanan,” dagdag pa ni Ricafrente. (Anthony Giron)