Kiray copy

FOR sure may mga naiinggit sa suwerteng dumating kay Kiray Celis na pagkatapos makapareha si Derek Ramsay sa pelikulang Love Is Blind ay may kasunod agad na I Love You To Death na si Enchong Dee naman ang kanyang leading man.

Deserving namang masundan agad ang pagbibida ni Kiray, bukod kasi sa kumita ang Love is Blind, sobrang nakakaaliw at may ibubuga talaga siya sa pagpapatawa, at hindi ‘yung pilit na kagaya ng iba riyan, huh!

Wala ring kaartehan sa katawan si Kiray at kahit anong ipagawa ng director ay agad niyang sinusunod na walangng marinig na anumang reklamo.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Kailangan pa ba nating magreklamo. I mean, may karapatan ba? Sobrang masaya na tayo dahil nabigyan tayo ng mga ganitong klaseng pagpapahalaga. Ang daming nag-aantay diyan, masuwerte lang ako, kahit ganito tayo,” napatawang sabi ni Kiray. 

Dagdag pa ng tinatagurian ngayong Young Comedy Queen, kahit pasirkuhin pa raw siya at uutusang mag-tumbling sa mga eksena niya ay kayang-kaya niyang gawin. 

“Ako naman, eh, binibigay ko ang lahat-lahat talaga para naman mapatawa ko ang mga manonood at maging sulit naman ang ibinabayad nila,” sey ni Kiray. 

Ngayong natupad na ang pangarap niyang maging bida sa pelikula, ano pa ang mahihiling niya sa Diyos?

“Siyempre ‘yung tuluy-tuloy na ito, at masundan pa ng marami pang pelikula,” napatawang sagot ni Kiray. 

Bukod sa masuwerte sa career, wala na rin siyang mahihiling pagdating sa personal life niya. Dasal sana niya na maging private na lang ang personal niyang buhay. Pero alam naman daw niya na walang maitatago sa mundo ng showbiz. 

Kahit never niyang sinasabi na may boyfriend na siya, para maiwasan ang intriga, still may mga nakakaalam naman na meron siyang Brix na guwapo at pang-showbiz ang dating. Very supportive daw si Brix sa career niya. (JIMI ESCALA)