Claudine

NAGTATANUNGAN ang fans ni Claudine Barretto kung ano ba talaga ang sakit ng aktres. 

Pagkatapos naming ibalita na naka-confine uli siya sa St. Luke’s Medical Center Global City, sa bagong video naman na ipinost sa Instagram, dadalhin siya sa operating room (OR).

Natakot at nataranta ang followers/fans ni Claudine sa sinabi niya sa video na, “Hi guys! OR here we go!” dahil malungkot ang boses at tila may kabang nararamdaman.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga espekulasyon na kung ano ang sakit ni Claudine, pero hintayin natin na manggaling sa kanya o sa family niya kung ano talaga ang rason at pagpapabalik-balik niya sa ospital.

Ikinatuwa ng fans ni Claudine ang pagbisita sa kanya sa hospital ng inang si Mrs. Inday Barretto at pamangking si Pocholo Barreto. Ang hinahanap ng kanyang followers/fans ay ang pagbisita ng kapatid na si Marjorie Barretto at mga anak nito.

As of this writing, wala pang bagong update si Claudine sa kondisyon niya. Pagpahingain muna natin siya dahil katatapos lang ng kanyang operasyon. (Nitz Miralles)