URDANETA CITY, Pangasinan – Naglunsad ang hepe ng pulisya sa siyudad na ito ng isang-buwang programa upang pag-ibayuhin ang pagiging fit at malusog ng bawat pulis sa lungsod.

Inilunsad nitong Lunes ni Urdaneta City Police Chief Supt. Jeff Fanged ang “Operation Balik Alindog” para sa mga babaeng pulis at “Operation Bawas Taba” para sa mga lalaking pulis, at tatagal ang programa hanggang sa Hulyo 6.

Para sa isang-buwang programa, hihimukin ang mga pulis na sumailalim sa diet at regular na ehersisyo upang maiwasan ang pagtaba.

Kaugnay nito, nangako si Fanged na tatanggap ng perang pabuya ang pulis na magtatagumpay sa pagpapapayat hanggang Hulyo 6. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog