Vin copy

ISANG malaking oportunidad para sa bagong Kapamilya actor na si Vin Abrenica na mapasama sa longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Matagal na niyang hinihintay ang napakalaking pagkakataon na ito. 

Sa panayam kay Vin sa Tonight With Boy Abunda, ikinuwento niya ang naging buhay niya sa piling ng kanyang pamilya at sa kapatid na si Aljur Abrenica, na sikat na Kapuso actor.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dati raw, si Aljur ang laging bida sa kanilang bahay, ang laging pinagtutuunan ng atensiyon pero dumating din ang panahon na tila nabago ang kalakaran no’ng unti-unti na siyang makilala sa showbiz at nagkaroon ng sariling career.

“Lumaki ako sa family na masakit sa akin pero it’s always him, kaya nag-i-excel ako sa academics. Siya ‘yung sa may music side siya, ‘yung sa singing side, sa arts… pero lately ko lang nare-realize na meron pa pala akong puwedeng matutunan sa part na ‘yun,” bungad niyang kuwento kay Kuya Boy.

Wala namang nadaramang inggit si Vin sa kapatid na si Aljur. Pero may halong saya na silang magkapatid ngayon ay ikinukumpara sa isa’t isa. Sino ang mas magaling na aktor sa kanilang dalawa?

“I learned from him.”

Oo nga naman.

Tungkol naman sa lovelife, inamin ni Vin kay Kuya Boy na mas gusto niyang makipagrelasyon sa matured women at ang ilan sa kanyang ex-girlfriends were older than him. Aminado si Vin na walang nagtagal sa kanyang mga naging karelasyon.

“Ako ang iniwan, Tito Boy, never pa akong nang-iwan,” sabay ngiting sabi ng binata. “I always fight for my love, may laging nangyayari sa akin na sometimes hindi natatanggap.” 

Minsan siyang pinapili between his career and his girlfriend. 

“Pinapili mo ako between you and my dreams, siyempre, dreams, so iniwan niya ako,” sey ni Vin.  

Isa sa naging girlfriends ni Vin si Sophie Albert, ang naging ka-love team niya sa TV5.

“We talked about it, Tito before pa ako lumipat, pero we’re still good friends.” 

Inspirado sa kanyang career sa ngayon si Vin dahil sa pagiging Kapamilya. Tinanong ni Kuya Boy si Vin kung gaano niya kamahal ang kanyang propesyon.

“Sobrang lakas ng fire ko ngayon Tito. So hungry,” sabay tawa. (ADOR SALUTA)