TARLAC CITY - Dinamdam nang husto ng isang 35-anyos na mister ang pag-alis ng kanyang misis sa bahay hanggang sa ipasya niyang wakasan ang sariling buhay sa pagbibigti sa ilalim ng isang inabandonang water tank sa Sapang Bulo, Northern Hills Subdivision sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Gumamit ng lubid sa pagbibigti si Jay-Jay Taguinod, ng Block 6, Tarvet, Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Ranee Navarro, nabatid na simula nang iwan ng kanyang asawa ay naging malungkutin si Taguinod.

Dakong 10:00 ng umaga nang may makakita kay Taguinod na may bitbit na asul na plastic bag at naglalakad patungo sa Sapang Bulo, na naroon ang isang abandonadong tangke ng tubig.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang sumapit ang 5:45 ng hapon, nagpunta si Jerry De Guzman, 51, sa nasabing lugar para hanapin ang kanyang alagang kambing hanggang sa nakita niya si Taguinod na nakabigti sa ilalim ng tangke ng tubig.

Napag-alaman na Disyembre ng nakaraang taon nang nagtangkang magpakamatay si Taguinod ngunit napigilan siya ng mga kaanak. (Leandro Alborote)