Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

1 n.h. -- IEM vs Sta.Elena

4 n.h. -- Balipure vs Iriga

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:30 n.g. -- UP vs Baguio

Kahit wala pa si team captain Alyssa Valdez, kumpiyansa si Balipure playing coach Charo Soriano na masusungkit ng Purest Water Defenders ang ikalawang sunod na panalo sa muling pakikibaka sa Shakey’s V League Season 13 Open Conference ngayon, sa San Juan Arena.

Dumating kahapon mula sa opisyal na kampanya sa European Tour ang three-time UAAP MVP, ngunit sinabi ni Soriano na kailangang maipahinga muna ito para makondisyon.

Haharapin ng Balipure ang Iriga ganap na 4:00 ng hapon.

Bukod kay Valdez, hindi muna makalalaro sina Soriano at Bea Tan na sasabak sa Beach Volleyball Republic Invitationals sa Cagayan.

Gayunman, kampante si Soriano sa kakayahan nang maiiwang player tulad nina Gzi Gervacio, Denden Lazaro, Jem Ferrer, Ella de Jesus, at ang nagbalik-bayan ding si Gretchel Soltones.

Target din ng Iriga ang ikalawang sunod na panalo para masundan ang panalo sa Baguio kamakailan.

Sa tampok na laro, mag- uunahan naman sa pagbangon mula sa natamong kabiguan ang University of the Philippines at Baguio sa kanilang pagtutuos ganap na 6:30 ng gabi.

Mauuna rito, tatangkain ng Instituto Estethico Manila na makamit ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagharap sa Sta.Elena Construction, (0-1) sa nag- iisang laro sa Spiker’s Turf Season 2 Open Conference ganap na 1:00 ng hapon.

(Marivic Awitan)