claudine-barretto copy

NAKA-CONFINE na naman sa St. Luke’s Global si Claudine Barretto at ipinag-aalala na ng kanyang fans ang halos every month na pagkakaospital niya. Hindi sinasagot ni Claudine ang tanong ng kanyang followers sa Instagram (IG) kung ano ang kanyang sakit, basta nagpapasalamat siya sa mga nagdadasal para gumaling na siya.

Ang sabi, may hyperthyroidism si Claudine at isa pang sakit na ayaw naming isulat dahil unconfirmed at baka mas lalong kabahan ang kanyang fans. Hintayin na lang natin na si Claudine o ang kanyang pamilya mismo ang magsabi kung ano ang sakit ni Claudine na nagiging rason ng pagpapabalik-balik niya sa hospital.

Sa rami ng comments sa IG ni Claudine, isa ang nakatawag sa aming pansin. Sabi ng follower ng aktres, “Sana naman bisitahin siya nang mga kapatid nya. To rekindle their love as a family... Life is too short to be wasted sa mga galit... Kaya ni Claudine ito ipino-post kasi she needs love and affection.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tama kaya ang follower ni Claudine?

Napansin nga rin namin na ang mommy lang ni Claudine at ang pamangkin na si Pocholo ang bumibisita sa kanya sa hospital. Hindi bumibisita sa kanya si Marjorie Barretto at mga anak nito. (NITZ MIRALLES)