SUMISIP, Basilan -- Patay ang dalawang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Sumisip, Basilan nitong Linggo.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), naganap ang pananambang dakong 10:25 ng gabi sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan.

Batay sa impormasyon ng Sumisip Municipal Police Station (SMPS), pabalik na sa kanilang detachment sa Bgy. Sapah Bulak ang dalawang sundalo ng 64th Infantry Battalion (IB) nang harangin sila ng tatlong Abu Sayyaf na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Hindi pa pinapangalanan ng PA ang mga namatay na sundalo dahil hindi pa naipapaalam sa kanilang pamilya ang nangyari sa kanila. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog