MUKHANG hindi sinuwerte sa bagong boyfriend ang kilalang dramatic actress dahil simula nu’ng magkarelasyon sila ay nagkaproblema na siya sa finances niya.

Namamayagpag ang career ng dramatic actress at kaya kaliwa’t kanan ang pagbili niya ng mga mamahaling sasakyan at panay ang punta sa iba’t ibang bansa, at panay din ang bili ng condo units para gawing business.

Pero nagtaka ang mga kaibigan ng dramatic actress nang hindi na siya masyadong napagkikita na ang katwiran ay busy at laging wala sa bansa. “‘Tapos nalaman namin, ibinebenta na niya ‘yung ibang sasakyan at (condo) units niya.

Ano’ng nangyari? ‘Tapos wala naman palang trabaho ang boylet niya,” kuwento sa amin ng kaibigan ng dramatic actress. Concerned sa dramatic actress ang mga kaibigan niya kaya nag-imbestiga sila.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Nalaman nila na pati naman pala kasi pamilya ng boyfriend ay inaabutan din niya bukod pa siyempre sa ibinibigay nito sa karelasyon. “Eh, kaya mauubusan siya, ‘buti sana kung lagi siyang may project, eh, simula nga nu’ng naging sila ni _____ (boyfriend), naging madalang na ang project niya. Saan nga naman siya kukuha kung wala naman siyang trabaho.

Hay, naku talaga!” sabi sa amin. Ang concern pa ng mga kaibigan ng dramatic actress, sana ay hindi maibenta ang bahay na pinaghirapang ipundar dahil ito ang dream house niya na sa katunayan ay inabot ng ilang taon bago naitayo sa isang exclusive subdivision sa bandang south.

Pero humirit ang isa pang kaibigan, “Ano ka?” sabi sa nagkukuwento, “may nagtanong nga sa akin kung for sale ba talaga ang bahay ni _____ (dramatic actress) kasi may paskel na nakita ‘yung kumare ko na kapitbahay niya.”

Hala, for sale na rin ang bahay na naging saksi kami nu’ng ipakita sa dramatic actress ang blue prints ng arkitekto hanggang sa matapos itong gawin! Aba’y nakakalungkot nga.

Anyway, naniniwala kami na makakabangon pa rin ang dramatic actress dahil magaling naman siya at marami ang naniniwala sa talento niya. --Reggee Bonoan