Alden copy copy

ANG isang tao kapag may ipinakitang kabutihan, hindi iyon basta-basta makakalimutan. Sina Direk Jose Javier Reyes at si Ms. Nova Villa, dalawang tao na maituturing nang haligi ng industriya, hindi nakalimutan ang mga kabutihang nakita nila kay Alden Richards na itinuturing ngayong isa sa pinakasikat na actor.

Hindi itinago ni Direk Joey ang paghanga nang mag-effort si Alden na tawagan siya para magpasalamat sa naging interview sa director tungkol sa kanya. 

“Do you know how much of a gentleman he is? In my so many years in this business, no one has ever gone out of his way to call me to thank me for an interview I gave on TV last night?”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya ito ang mensahe ni Direk Joey sa actor: “Alden Richards, you deserve all the blessings coming your way because you are a Good Man! Nag-iisa ka sa kagandahang-asal.”

Kung hindi kami nagkakamali, first time lang ni Direk Joey na maidirek si Alden sa Metro Manila Film Festival entry last December, sa My Bebe Love #Kilig Pa More na first movie nila ni Maine Mendoza with Vic Sotto and Ai Ai delas Alas.

Na-interview naman si Ms. Nova Villa sa set ng Sa Piling ni Nanay, bagong afternoon prime drama sa GMA-7. Touching ang kuwento ni Nova tungkol kay Alden na una niyang nakasama sa soap na My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“Bagung-bago pa lang siya noon, wala talaga, zero. ‘Tapos apo ko siya doon, hindi masyadong mahaba ang role niya. 

Pero kaming dalawa ‘yung naging close, parang nanay niya ako. ‘Tinuring niya talaga akong nanay kasi naging open din ako sa kanya.

“Alam ba ninyong hindi siya naka-tent noon, kasama siya ng mga make-up artists. Pero mga one to two weeks na kami magksama, sabi ko, ‘Apo ko ‘to, eh. Bakit nandito lang?’ Sabi ko sa kanya, halika hijo, doon ka sa tent ko, dati kasi nakaupo lang ‘yan magdamag, very humble. Pero every time ako lalabas ng tent ko, sumasalubong ‘yan, nanginginig pa. Kasi squatter ‘yung lugar, maputik, madulas, maraming daga. Lagi niya akong inaalalayan, nakakapit ako sa kanya habang nagkukuwentuhan kami, inalam ko ang buhay niya. We became very close. Kunwari after the take, dahil mahaba ang nilalakad namin, hindi niya ako iniwan kahit tapos na ang eksena niya at ako hindi pa, hihintayin niya ako.”

Naging close sila kaya hindi nakalimot si Nova na magbigay ng advice kay Alden.

“Ang number one kong sinasabi sa kanya, magdasal ka. Kasi ang ating grasya, ang mga dumarating sa atin ay nanggagaling sa ating pagiging close sa Diyos. You pray your rosary, you thank God. Sabi niya sa akin, ‘Opo, Tita, sinusunod ko po ang lahat ng sinasabi ninyo sa akin’.”

“Natatandaan ko rin na sinabi ko sa kanya: ‘Tandaan mo ito, Alden, dadating ang oras na ikaw mismo, mabibigla ka na lang sa itatakbo ng iyong career. You’re a good actor.”

Hindi nagkamali si Ms. Nova Villa sa sinabi niya kay Alden. Look at him now! (ADOR SALUTA)