Tatlong bata ang nasawi at mahigit 50 bahay ang natupok sa sunog sa Cainta, Rizal, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Supt. Marlon Red Gnilo, OIC chief ng Cainta Municipal Police, nasawi sa sunog ang magkapatid na Kevin Espinosa, 9; at Nikko Espinosa, 14; at ang pinsan nilang dalawang taong gulang na si Coleen Espinosa, pawang taga-Apple 2 Village, Cainta.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong 11:40 ng gabi nagsimula ang sunog sa Valley Golf Village sa Barangay San Juan.

Naniniwala ang awtoridad na posibleng napabayaang kandila ang pinagmulan ng sunog, na umabot sa ikaapat na alarma at naapula dakong 1:40 ng umaga kahapon.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa covered court ng Palmera Homes 2 sa Taytay, habang tuluy-tuloy naman ang ayudang ipinagkakaloob ng pamahalaang lokal ng Cainta sa mga apektadong residente. (Madelynne Dominguez)