Xian at Kim copy

PATOK na patok ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim sa ginanap na TSOUristas Global Tour sa Saipan. 

Ito ang unang pagkakataong nag-show ang The Filipino Channel para sa ating mga kababayan sa Saipan. 

Hindi nagpaawat ang mga Pinoy na nahihiyawan mula sa airport hanggang sa mismong show na ginanap sa World Resort. 

Usapang Negosyo

₱10 na kita kada pastil, paano nakatulong sa pag-aaral ng isang iskolar sa Maynila?

Maging ang mga immigration officer at mga chamoro ay kilala ang tambalang Macoy at Tin dahil sila raw mismo ay avid viewers ng The Story of Us. 

“Nakakawala ng pagod at nakakatuwa ang mainit na pagtanggap nila sa amin sa Saipan,” sabi ni Kim. 

“I can’t thank them enough dahil walang katumbas ang aura ng mga kababayan natin doon dahil happy lang at napakabait nila,” dagdag naman ni Xian.

Matatandaang mula sa TSOUristas show sa Lucena noong Sabado, dumiretso sina Kim at Xian sa airport at balik taping agad kinabukasan para sa huling tatlong linggo ng The Story of Us. 

Nakatakda muling umalis ang KimXi next week 9 para 2nd ng TSOUristas Global Trip sa Chicago sa June 11.