HINDI man gaanong visible sa pelikula at telebisyon, pero kilalang-kilala at sikat pa rin namang maituturing ang actor na bida sa ating blind item ngayon. 

Dahil nga sikat at maraming pelikula na ang pinagbidahan at halos lahat din ng mga sikat na female stars ay nakatambal na niya, namukhaan agad siya ng medyo may edad na rin namang mayamang gay friend namin. 

Madalas kasing nagpapalipas oras sa paglalaro sa casino ang kaibigan namin at doon niya napansin na napapadalas na rin ang paglalaro ng sikat na actor.

Minsan daw ay may mga kasama ang actor pero mas madalas daw na napapansin niyang nag-iisa lang ang actor na nahihibang na raw sa pagka-casino.

Pag-aalaga ni Roxanne Guinoo sa amang may cellulitis, kinaantigan ng netizens

Ayon pa sa friend namin, kung siya raw ay sa slot machine lang naglalaro, ang naturang actor na hindi raw kagaya dati ng isang kilalang taga-showbiz pa rin na sa bigating mesa nakaupo at nakapagpatalo ng milyon. 

Isa sa mga taga-showbiz na tumakbo sa katatapos na eleksiyon ang actor pero ang ipinagtaka ng kausap namin ay noon pang kasagsagan ng kampanyahan ay napapansin na niya ang nasabing actor na naglalaro sa casino. 

“Ang alam ko nga, eh, napakasipag niyang mangampanya dahil hindi basta-basta ang posisyon na tinatakbuhan niya pero pagkatapos yata ng pangangampanya niya, eh, sa casino na ang diretso niya,” sey ng source. 

Dagdag pa ng kausap namin, kahit tapos na raw ang eleksiyon, hindi pinalad si Actor, nakikita pa raw niya ito sa casino. (JIMI ESCALA)