SAN JOSE, Tarlac – Isang 25-anyos ang ipinagtanong sa kanyang kaanak para pagbabarilin sa Sitio Malasin, Barangay Sula, San Jose, Tarlac.

Agad na nasawi si Edgar Gusto, may asawa, ng Bgy. Iba, San Jose, Tarlac.

Nauna rito, natutulog ang biktima sa nang biglang dumating ang dalawang suspek na nagpanggap na mga kasamahan sa trabaho ng biktima at tinanong ang kapatid na si Maryjane Gusto, 23, kung nasaan si Edgar.

Nang ituro ni Maryjane ang kapatid na nakahiga sa papag ay bigla itong pinagbabaril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Napag-alaman na ang dalawang suspek ay kapwa balingkinitan, at may taas na 5’4’’ at 5’6’’. (Leandro Alborote)