SEOUL, South Korea (AP) – Apat katao ang namatay at 10 iba pa ang nasugatan sa pagsabog sa isang subway construction site nitong Miyerkules malapit sa Seoul, ang kabisera ng South Korea.

Nagwi-welding ng mga iron bar ang mga manggagawa may 15 metro sa ilalim ng lupa nang mangyari ang pagsabog sa umaga, sinabi ng mga opisyal mula sa Gyeonggi Province Fire and Disaster Headquarters.

Isang manggagawa ang natagpuang patay sa ibabaw na posibleng na inihagis pataas ng puwersa ng pagsabog ang katawan nito, habang tatlong bangkay pa ang natagpuan sa ilalim ng lupa. Tatlo sa mga sugatan ang malubha.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagsabog, ngunit may hinala ang mga opisyal na posibleng sumabog ang tangke ng gas na ginagamit sa welding.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo