Dennnis copy copy

SI Dennis Trillo ang only leading man sa Viva Films movie na Camp Sawi at sa mga naunang naglabasang pictorial, sila pa lang ni Bela Padilla ang magkasama. Wala pang pictorial ang aktor kina Arci Muñoz, Yassi Pressman at Andi Eigenmann.

In fairness, may chemistry sina Dennis at Bela at sayang dahil kung kailan patapos na noon ang kontrata ni Bela sa GMA-7, saka pa naisipan na sila’y pagtambalin sa medical drama na Sa Puso ni Doc. Ang GMA News & Public Affairs pa nga ang nakaisip na pagsamahin sila sa nasabing project at doon nakita na bagay din sila.

Sa Viva Films movie na Felix Manalo unang nagtambal sa pelikula sina Dennis at Bela at muli, kinakitaan sila ng chemistry, kaya naisip ni Mr. Vic del Rosario na muli silang pagsamahin.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

Sa ngayon, napapanood si Dennis sa Juan Happy Love Story sa role ng isang babaero at hindi siya nahihirapang gampanan dahil aminado siyang there was a time na chickboy siya. Ngayon, isang babae na lang daw ang tinitingnan niya at kilala na natin kung sino siya.

Pero kuwento rin niya, nang una niyang makitang naka-two-piece swimsuit si Kim Domingo sa isang eksena sa Juan Happy Love Story, natulala siya sa kaseksihan ng dalaga. 

Ay, akala ba namin isang babae na lang ang tinitingnan ni Dennis. Lagot siya kay Jennylyn Mercado! (Nitz Miralles)