donny-nietes copy copy

Kasaysayan na ang titulong ‘longest world champion’ para kay WBO light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes, ngunit target niyang maidagdag sa kanyang koleksiyon ang WBA at WBO flyweight title na kasalukuyang hawak ni Mexican Juan Francisco Estrada.

Ayon kay ALA Promotion chairman Michael Aldeguer, nakikipag-ugnayan na sila sa kampo ni Estrada para sa unification match kay Nietes, imbes na magdepensa ito ng titulo kay No. 1 challenger Moises ‘Moi’ Fuentes sa Setyembre 24 sa United States.

“Donnie wanted to have bigger fights. The thing is, he has a scheduled mandatory title defense against Fuentes. But, I spoke to the WBO and since Nietes is a super champion thus, he has the privilege to even make this super fight (against Estrada) happen on September 24 and if he wants to go back at 108 lbs., then he can fight Fuentes after 120 days. Though, it’s a done deal with Fuentes but, since Donnie is a super champion thus, he has the option,” paliwanag ni Aldeguer.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naidepensa nitong Sabado ni Nietes ang kanyang korona laban kay dating IBF at WBO minimumweight champion Raul ‘Rayito’ Garcia na tinalo niya sa 6th round TKO sa ‘Pinoy Pride 36: A Legend in the Making’ sa University of St. La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Si Garcia ang ika-15 Mexicans na tinalo ni Nietes sa ibabaw ng lona kung kaya’t binansagan siyang “Mexican Executioner”.

Tinawag namang “Pinoy Executioner” si Estrada na nagsalansan ng panalo laban kina OPBF flyweight champion Ardin Diale, dating WBA at WBO flyweight titlist Brian Viloria at world rated boxers Milan Melindo, Richie Mepranum, Joebert Alvaraez at Rommel Asenjo.

May kartada si Nietes na 38-1-4, tampok ang 22 knockout, samantalang si Estrada ay may rekord na 33-2-0, kabilang ang 24 TKO. (Gilbert Espeña)