BANGKOK (Reuters) – Sumailalim ang 83-anyos na si Queen Sirikit ng Thailand sa medical tests at may “insufficient blood in the brain”, sinabi ng Royal Household Bureau sa isang bihirang pahayag kaugnay sa kalusugan nito.

Ang kanyang asawa, si King Bhumibol Adulyadej, 88, ay mahina na ang kalusugan at ginagamot sa iba’t ibang karamdaman sa isang ospital sa Bangkok.

“An x-ray showed that there is still a trace of a former illness of insufficient blood in the brain as per in 2012 but the check found no new abnormalities,” sinabi ng palasyo sa pahayag kaugnay sa reyna.

Si Queen Sirikit, na bihirang masilayan sa publiko nitong mga nakalipas na taon, ay nagpakonsulta noong Miyerkules, dagdag sa pahayag.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ang Thai royal succession ay nagbunsod ng mga pangamba sa kawalang katagagan sa bansa na nasaksihan ang 19 na kudeta o tangkang kudeta at 19 na konstitusyon simula nang palitan ng constitutional monarchy ang absolute monarchy noong 1932.