ENCHONG AT SAM copy

KINUMUSTA namin si Enchong Dee, bago sumalang sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong Martes ng gabi, tungkol sa paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Samantha Lewis at kung okay lang siya pero hindi niya kami sinagot dahil nga sa programa ni Kuya Boy niya ito aaminin.

Nakapanghihinayang din dahil inamin ni Enchong noong huli namin siyang makatsikahan na masaya siya sa piling ni Sam at gusto na nga sana niya itong makatuluyan.

“We’re just friends now” ang sagot ni Enchong nang kumustahin ni Kuya Boy ang status nila ni Sam.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi rin ng binata na bago siya umupo sa TWBA ay nag-text siya kay Sam na matatanong ang tungkol sa kanila bagamat nakita na nito ang teaser na hiwalay na sila.

“I texted Sam, ‘Sam this is going to happen, this is the topic, this is the headline.’ And then she said, ‘Okay lang, walang problema’. I mean, ang dami na naming pinagdaanan together and this is just one of those. But, yeah, we’re just friends now.”

“But I think there’s just a certain point, di ba? Where you just say, stop,” sabi pa ng aktor.

Magkaibigan pa rin sila kaya hindi naging mahirap ang kanilang paghihiwalay.

“I told her na anytime she needs me, nandito lang ako,”

Samantala, pagdating sa showbiz career, inamin ni Enchong na sa scale of 1-10 ay nasa 5 lang ang estado niya ngayon at wala naman siyang ibang sinisisi dahil kagustuhan niya ang lahat.

Kaya ngayong 2016 ay puro trabaho na ang aatupagin niya at ito rin ang magiging therapy niya sa paghihiwalay nila ni Sam.

“It’s so hard to be regretful and the same time mareklamo, di ba? If there’s anyone I can point fingers at it is myself, so whatever failure or success that I have now is because of myself,” pag-amin ni Enchong.

Kaya sobrang thankful ang aktor kay Mother Lily Monteverde na sinugalan sila ni Kiray Celis sa pelikulang I Love You To Death na ipalalabas na sa Hulyo 6.

“It’s experimental working with Kiray. Sabi ko nga Regal invested on both of us and let’s be honest, I don’t think Star (Cinema) would just give us something like this kind of project.

“I’m happy for this project and excited for everyone to see this project kasi it’s something new, something different, it’s a breather as an actor,” pahayag ni Enchong.

Ipagdiriwang ni Enchong ang kanyang ikasampung taon sa showbiz at naglabas na siya ng ikalawa niyang album na may titulong EDM (Enchong Dee Moves) na mabibili na sa record bars simula sa Hunyo 3, distributed ng Star Music.

(Reggee Bonoan)