Britney sa 'JTV' copy copy

EEKSENA ang international pop icon na si Britney Spears ngayong linggo sa Jane the Virgin sa ABS-CBN.

Bibisita si Britney bilang sarili niya na at para magsilbing main act sa kasal nina Petra at Milo.

Lingid sa kaalaman ng marami, may hindi pa nalulutas na hidwaan si Britney at ang ama ni Jane na si Rogelio. Minsan silang nagsama bilang presenters sa Latin Pop Music Awards nang mapahiya si Rogelio sa harap ng maraming tao. Kinimkim ito ng ngayo’y sikat ng telenovela star kaya hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na makompronta si Britney tungkol dito. Abangan ang mangyayari.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, gagawa naman ng paraan si Jane para pagbatiin ang ama at ang kanyang idolo. Magtagumpay kaya siya?

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang Jane the Virgin at nanatiling mas pinapanood sa timeslot nito. Inaabangan pa rin ng televiewers kung sino ba talaga ang pipiliin ni Jane -- si Michael o si Rafael? Nanatili pa ring lito ang dalaga sa kabila ng panganganak niya kay Baby Mateo.

Ang Jane The Virgin ay multi-awarded US series na bahagyang ibinase sa Venezuelan telenovela na Juana La Virgen.

Simula nang ipinalabas ito sa CW channel sa US, nakakuha na ito ng Peabody Award, American Film Institute award, at People’s Choice Award para sa favorite comedy program, at napabilang din sa mga nominado sa Critics’ Choice Awards, Television Critics Association Awards, at prestihiyosong Golden Globe Awards, kung saan kinilala ang bidang si Gina Rodriguez sa kategoryang Best Actress – Television Series, Musical or Comedy.

Huwag palalampasin ang Jane The Virgin, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng The Story of Us sa Primetime Bida ng ABS-CBN.