DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isang kawani ng Land Transportation Office (LTO), na dumayo para mag-swimming sa Tondaligan Beach sa Bonuan Gueset, ang nasawi matapos na malunod.

Kinilala ni Senior Insp. Joseph Mark Sibayan ang nasawi na si Antonio Ballalez, Jr. 28, may asawa, ng Barangay Lacayanga, Paniqui, Tarlac.

Ayon sa huling ulat, dakong 1:00 ng hapon nitong Mayo 21 nang makarating ang biktima sa beach kasama ang ilang kamag-anak para mag-swimming, pero umabot si Ballalez sa malalim na bahagi ng dagat, na nahaharangan ng warning rope. -Liezle Basa Iñigo

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar