Mayo 23, 1911 nang pangasiwaan ni noon ay United States (US) President William Howard Taft ang pagpapasinaya sa gusali ng New York Public Library sa New York City. Ito ang pinakamalaking istrukturang gawa sa marmol sa bansa, at kinabukasan ay binuksan na sa publiko.

Ang gusali, na matatagpuan sa pagitan ng 40th at 42nd Streets, ay itinayo sa loob ng 14 na taon at nagkakahalaga ng $9 million. Sa mga sumunod na dekada, itinayo naman ang mga sangay ng mga library sa lungsod sa tulong ng $5.2-million na donasyon ni Andrew Carnegie.

Mahigit 10 milyong katao, na may mahigit dalawang milyong cardholder, ang bumibisita sa nasabing library kada taon.

Bago pumanaw si dating New York Governor Samuel Tilden (1814-1886), naglaan siya ng halos $2.4 million mula sa kanyang yaman para sa pagpapatayo ng isang libreng library sa lungsod.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon