Patay ang isang 58-anyos na babae makaraan siyang pagtatagain ng manugang niyang lalaki na kinastigo dahil sa pagpapabaya sa mga alagang kambing sa Zamboanga City, nitong Biyernes.

Tumakas ang suspek na si Roberto Bernardo, 34, matapos mapatay ang biyenan niyang si Perlita Mariano, na pinagtataga niya sa Barangay Malugutay, Zamboanga City.

Ayon sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police, dakong 8:00 ng gabi nitong Biyernes nang umuwi nang lasing si Bernardo at sinita ng misis nito, na anak ni Mariano, dahil hindi naikulong ng suspek ang mga alagang kambing.

Namagitan umano ang biktima sa away ng mag-asawa hanggang sa sugurin ito ng suspek at pinagtataga sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?