hiroshi-hoketsu-052016 copy

TOKYO (AP) — Sa edad na 75, pang-Guinness world record ang kakaharapin ni Japanese equestrian rider Hiroshi Hoketsu.

Ngunit, nabigo ang Olympian na maisakatuparan ang minimithing kasaysayan nang maitsapuwera sa Japanese equestrian team na sasabak sa Rio de Janeiro Olympics, sa Agosto 5-21.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Ayon sa pahayag ng Kyodo News Agency, nagkasakit ang alagang kabayo ni Hoketsu, dahilan para hindi ito makasali sa isinagawang qualifying trials para sa koponan.

“I don’t want to push the horse, so unfortunately I have given up upon the dream of competing in the Rio Olympics,” pahayag ni Hoketsu.

“There’s nothing decided about the future. First I’d like to prioritize getting the horse well again.”

Unang sumabak sa Olympics si Hoketsu noong 1964 Tokyo Games at tinanghal na pinakamatandang atleta na sumabak sa 2012 London Games sa edad na 71. Target niya ang ikaapat na Olympics matapos maging bahagi ng koponan noong 2008 Beijing Games kung saan nagtapos siya sa ikasiyam na puwesto sa team dressage at ika-35 sa individual dressage.

Naging puspusan ang kanyang paghahanda para sa Rio Games sa pagsasanay sa The Netherlands at Germany, subalit nagkasakit ang kanyang kabayo bago ang qualifying trial.

Kung makalalaro sa Rio, mahihigitan niya ang record ni Swedish shooter Oscar Swahn, sumabak sa 1920 Antwerp Games sa edad na 72.