CANDON CITY, Ilocos Sur – Agad na nasawi ang isang ginang matapos siyang paulit-ulit na saksakin ng kanyang lasing na live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Darapidap, Candon City, nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Maryjane Tamano, ng Bgy. Darapidap, Candon City, na 13 beses na sinaksak ni Bernardo Galaitez, tricycle driver, sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Labimpitong taon nang nagsasama sina Tamano at Galaitez.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya, inamin ni Galaitez na matinding selos ang dahilan kaya nagawa niyang patayin ang kanyang asawa, kasabay ng pagpapahayag ng labis na pagsisisi sa kanyang nagawa. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog