valdez copy

Nagkaroon ng katuparan ang pinakahihintay na reunion ng mga dating Ateneo star players na sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, Denden Lazaro, Gretchen Ho, Dzi Gervacio, Mae Tajima, at Charo Soriano sa pagsabak ng Bali Pure sa Shakey’s V-League Open Conference sa Mayo 28.

“They will represent Bali Blue Water,” sabi ni Ateneo team manager Tony Boy Liao, tumatayong manager ni Valdez.

Sinabi ni Liao na sina Tito Panlilio at Ramon “Choy” Cojuangco ang nakipagnegosasyon para sa koponan na kabibilangan din nina NCAA MVP Gretchel Soltones, Ruby de Leon, Alyssa Eroa, at Jannine Marciano.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Matatandaan na sina Valdez, Ahomiro at Lazaro ay magkakasamang naglaro para sa Lady Eagles na naging back-to-back UAAP champion noong 2014 at 2015, habang si Ho na lumipat sa beach volley at isa sa television anchor ng ABS-CBN, ay naging miyembro ng koponan noong 2013.

Naglaro naman si Gervacio para sa Ateneo noong 2008, isang taon matapos huling maglaro si Soriano.

Marami ang naghahangad makuha ang serbisyo ni Valdez, kabilang na ang koponan ng Pocari Sweat, dating Philips Gold sa V-League at isa pang koponan sa isang liga.

Gayunman, mas pinili ng three-time UAAP MVP at two-time V-League MVP ang Bali Pure para makasama ang mga dating katropa sa Lady Eagles. (Angie Oredo)