yeng copy

Laro ngayon

( Araneta Coliseum)

7 n.g. – ROS vs Alaska

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Makain na kaya ang masaganang handa? Mailalaglag na kaya ang mga lobo at confetti para maipaligo sa nagdiriwang na tagahanga?

Sa ikatlong pagkakataon, sasagutin ng Rain or Shine Elasto Painters ang katanungan sa muling pakikipagharap sa kumpiyansang Alaska Aces sa Game 6 ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup best of-seven championship.

Magaganap ang kasaysayan sa 7:00 ng gabi, sa Araneta Coliseum.

Sa kabila ng kabiguan sa Game 5 nitong Linggo para matapyas ang bentahe sa serye sa 2-3, kumpiyansa pa rin si coach Yeng Guiao na mapipintahan ng Painters ang kampeonato.

“Nasa taas pa rin kami, sila nasa baba pa rin. Medyo, naantala lang pero sa amin pa rin ‘yan,” pahayag ni Guiao, nadiskaril ang nakatakdang bakasyon sa London bilang regalo sa anak na nagtapos.

“Itutuloy na lang namin after this series,” aniya.

Nakatakda na ang lahat matapos maipinta ng Painters ang 3-0 bentahe sa serye. Ngunit, tila ipis na mapakahirap mapatay ng Aces na nagawang makahirit ng dalawang sunod na panalo.

Bunsod nito, muling nabuhay ang nakalipas na kaganapan kung saan nasa pareho ring posisyon ang Rain or Shine, ngunit nagawang mawalis ng San Miguel Beermen ang huling apat na laro para maagaw ang korona.

“Alaska now has the momentum, but it doesn’t mean they can run over us and totally take over that momentum,” ayon kay Guiao. “They are still in a bad place, and we are still in a good place.”

“They still have to beat us twice and we just have to beat them once so it's really looking at it from the positive perspective,”dagdag nito. “I will not dare make any more predictions, except that in the end, we will win this one.”

(MARIVIC AWITAN)