sabong copy

Hahamunin ng isa sa pinakasikat at pinakamahusay na US breeder ang mga kalahok sa 2016 World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby na gaganapin sa Manila, sa Mayo 26-Hunyo 1.

Si David “Rat” Graves, tinanghal na ‘Cocker of the Year’ sa 18 beses, ay sasabak sa prestihiyosong labanan gamit ang mga subok na crosses niyang Leiper, McLean, Sheryl Penny, Grey at Kelso.

Hawak ang pambihirang record na 20 straight wins sa US, si Graves ay respetadong nagpapalahi ng mga sasabungin at materyales na mga magmamanok mula sa Mexico, Pilipinas, Guam, Saipan, at Hawaii.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Mula sa Oklahoma, si Graves ay lalahok sa world-class na mga labanan na magaganap sa dalawang magkahiwalay na 2-cock eliminations sa Mayo 26 at 27.

Handa siyang umabante sa mas matitinding labanan sa semi-finals sa Mayo 28 at 29, sa 4-cock pre-finals na nakatakda sa Mayo 30 at 31, at sa grand finals na magaganap sa Hunyo 1.

Katuwang sa pagganap ng 2016 World Slasher Cup-2 ang Gamefowl Magazine, SuperSabong – Bigtime Sabong Sa Telebisyon, Chicken Talk, and Cockpihan – Usapang Sabong Sa Radyo bilang media partners.

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang ikalawang edisyon ngayong taon ng World Slasher Cup, tinaguriang The Olympics of Cockfighting, ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP.