Pido copy

Naganap na ang matagal nang alingasgas na pagsibak ng GlobalPort batang Pier kay coach Pido Jarencio.

Pormal na ipinahayag ng GlobalPort management kahapon ang pagtalaga kay Eric Gonzales, isa sa assistant coach ng Batang Pier, bilang kapalit ni Jarencio bilang head coach ng koponan sa pagbubukas ng bagong conference.

Itinalaga na ni team owmer at bagong halal na partylist congressman na si Mikee Romero ng 1- Pacman si Gonzales.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Matagal nang pinag uusapan ang posibleng pagpapalit ng Batang Pier ng coach dahil sa ginawang pagtatalaga kay assistant team manager Johnedel Cardel para mag coach sa huling dalawang laro ng koponan sa nakalipas na kampanya sa Commissioner’s Cup.

Minsan na ring naging acting coach si Gonzales, para sa Globalport sa mga lumipas na rigodon ng coaches ng koponan.

Bukod sa pagtatalaga kay Gonzales bilang coach, kinuha din ng Batang Pier ang kasalukuyang headcoach ng Adamson sa UAAP na si Franz Pumaren bilang consultant habang kinuha ni Gonzales ang dating manlalaro ng Talk N Text at kasalukuyang big men at kapwa assistant coach sa Far Eastern University na si Gilbert Lao bilang bahagi ng bagong coaching staff.