Ni JIMI ESCALA

Xian LimTUWANG-TUWA raw ang mga solidong tagahanga ni Xian Lim dahil sa wakas ay magkakaroon ito ng concert, ang A Date With Xian na gaganapin sa Kia Theatre sa July 9.

Ayon sa isang handler ng Star Magic na nakausap namin, excited si Xian sa nasabing concert. Binanggit ng kausap namin na kahit hindi ini-request ng mga tagahanga ng actor na isama si Kim Chui sa mga guest ay isa talaga ang huli sa very special guest.

Kuwento pa sa amin ng kausap namin, marami raw ang kinikilig sa pagpo-post ni Xian ng drawing na ‘music and me’ na may kamay na magka-holding hands. Siyempre, nasa isip agad ng mga tagahanga na si Kim ang tinutukoy ng actor.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kumbaga, dahil may concert siya, tiyak na may kinalaman ang post ni Xian sa pagiging musikero niya.

Binanggit naman ni Xian na panahon nang magpakita naman siya ng gilas hindi lang dahil sa kanyang paparating na concert kundi para na rin sa lalong gumagandang career niya na pinag-uusapan na rin naman hindi lang ng fans niya kundi pati na rin ng buong showbiz.

May mga pagkakataon noon na nakadama si Xian ng takot dahil sa mga natatanggap niyang panlalait at kritisismo, pero ngayon ay kitang-kita na unti-unti na rin niyang natatanggap na bahagi iyong ng pagiging artista.

Ayon sa actor, instead na masiraan ng loob sa mga panglalait sa kanya ay naging challenge ito sa kanya. Kaya sa halip na magpaapekto ay mas binigyan niya ng pansin ang trabaho niya at mas ginagalingan ang pag-arte, huh!

“Kahit anong gawin nila, eh, handa na tayo sa mga hamon para sa career ko at kayang-kaya ko nang harapin ang mga ito,” natatawang banggit ng actor.

Ipinagmamalaki na raw niya sa mga tagahanga niya na habang tumatagal siya sa showbiz ay mas tumitibay na ang kanyang dibdib. Kaya kahit anong pang-iintriga sa kanya ng detractors niya ay dedma na siya sa mga ito.

Sa totoo lang naman, after ng pelikulang All About Her kasama sina Vilma Santos at Angel Locsin ay tuluy-tuloy nang gumagaling na ang pagganap ng actor.