5 copy

NAPAKAHALAGA lalo na sa isang debotong Katoliko na masilayan ang Callao Cave na pangunahing tourist attraction sa bayan Peñablanca, Cagayan, na tinaguriang isa sa limestone at religious cave in the Philippines.

 

Ang Callao Cave ay matatagpuan sa Barangay Magdalo at Quibal ng Peñablanca, sa layong 24 kilometro mula sa capital city ng Tuguegarao, Cagayan.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

 

Bukod sa Callao Cave ay may 300 caves pa na matatagpuan sa western foothills ng Northern Sierra Madre mountains, na may kabuuang 118,781.58 ektarya, na pinangangalagaan ng Peñablanca Protected Landscape and Seascape. Ang Callao ang pinaka-accesible na madaling puntahan ng mga turista.

 

Ang challenge bago mo marating at mapasok ang Callao Cave ay aakyatin mo muna ang 184 concrete steps at habang nasa kalagitnaan ay mararamdaman mo na ang malamig na hangin mula sa mapunong lugar ng Sierra Madre.

 

Ang Callao Cave ay may pitong chamber na ang bawat isa ay may butas sa itaas na nagbibigay liwanag sa madilim na bahagi ng kuweba. Isa sa highlights ng chamber ay ang malawak na entrance ng kuweba at bubungad ang cathedral-like room na ginawang chapel.

 

Ang mga rock formation ay nagsisilbing altar ng chapel, na tinatanglawan ng likas na liwanag na nagmumula sa butas sa itaas ng kuweba. Tuwing Holy Week ay nagsasagawa rito ng Misa at naitala na ilang mga residente at mga taga-ibang lugar ang nagdadaos ng kasal dito.

 

Sa kaloob-looban ng kuweba ay may iba’t ibang rock formation pa na gaya ng flow stones, glittering dripstones,cave curtains, crystal helicities, columns at marami pang iba. Ipinangalan ang Peñablanca dahil sa matatagpuang mga puting limestone sa lugar.

Ang avid cave explorers naman ay maaaring bisitahin ang ilan sa mga kuweba na may kakaibang tanawin sa loob.

Ilan sa mga kuweba na exciting bisitahin ay ang Jackpot Cave, na itinuturing na ikalawang deepest cave sa bansa, na may lalim na 377 feet, samantalang ang Odessa-Tumbali Cave ay tinaguriang longest cave system in the Philippines.

Tinatayang umaabot sa 12.6 hanggang 15 kilometro ang haba nito. At bago ka makapunta sa lugar na ito ay may trekking na 7 kilometro mula sa Callao Cave at bago makapasok sa loob ay may rappelling na 98 feet. Ang mga kuweba, maliban sa Callao Cave, ay hindi pinahihintulutan ng municipal government na basta na lamang puntahan na walang guides ng Sierra Madre Outdoor Club.

(Editor’s note: Sa aking pananaliksik para sa librong Walang Katulad, natuklasan ko na matagal na nanirahan sa Cagayan cave complex ang ating mga ninuno. Naririto ang ilan sa paglalarawan ko sa libro: “Ayon sa radiocarbon testings, nanirahan sa mga kuweba sa Peñablanca ang mga ninuno natin 67,000 years ago. Mas earlier ang mga tao sa Callao Cave kaysa Tabon Man sa Palawan na nabuhay naman doon 23,000 to 47,000 years ago....” Nagsilbi itong sinaunang siyudad ng mga naunang Pilipino.) (Rizaldy Comanda)