May 15, 1935 nang buksan sa publiko ang Moscow subway system sa Russia, na unang bumiyahe sa layong 11.2-kilometro mula sa Park Kultury sa Moscow patungong Sokolniki.

Makalipas ang tatlong taon, binuksan ang eleganteng ikalawang linya. Mula 1950, ang mga istasyon ay ginagamit upang bigyang-pugay ang Soviet leader na si Joseph Stalin. Ang mga bagong istasyon mula 1957 hanggang 1960s ay may mga simpleng disenyo.

Sa kasalukuyan, ang Moscow Metro ay may 12 linya na binubuo ng 196 na istasyon, na may mahigit 145 bilyong biyahe. Upang maalalayan ang mga bulag, pinahihintulutan ang mga pasahero na bumiyahe mula sa radial lines hanggang sa gitnang bahagi upang marinig ang mga anunsiyo ng boses ng lalaki; habang boses naman ng mga babae ang maririnig sa gitnang bahagi.

Isinagawa ang unang talakayan tungkol sa nasabing proyekto noong 1875, ngunit ang mga naunang disenyo ay isinumite sa ilalim ng pamunuan ni Tsar Nicholas II noong 1902.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza