Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang empleyado makaraang salpukin ng taxi at magulungan pa ng rumaragasang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Ritchie Claravall, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang nasawi na si Virgilio Umbao, 37, ng Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Agad na nasawi si Umbao makaraang mapisak ang ulo nang magulungan ito ng Greenline Express bus.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya si Mike Reboto, driver ng bus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa imbestigasyon ni PO2 Alfred Moises, ng Traffic Sector 5, dakong 5:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Commonwealth Avenue, sa tapat ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Bgy. Central.

Patungong Elliptical Road ang motorsiklong minamaneho ni Umbao nang salpukin ito ng taxi, na hindi naplakahan, kaya sumemplang ang biktima sa kalsada. Habang nakahandusay, nasagasaan naman siya ng bus at nagulungan pa sa ulo.

Ayon sa mga rumespondeng traffic enforcer, nabatid na pawang wala sa kani-kanilang lane ang motorsiklo, taxi at bus nang mangyari ang aksidente. (Jun Fabon)