BATANGAS CITY – Nasawi sa aksidente ang isang seaman matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa Batangas City, noong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa St. Camillus Medical Center ang 24-anyos na seaman na si Jayson De Lara.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:45 ng gabi nang magkarambola sa Diversion Road sa Barangay Bolbok ang Toyota Vios na minamaneho ng biktima, ang pampasaherong ALPS bus (AIA-7310) na minamaneho ni Erdan Llido, 42; at ang Elf Truck (UND-873) na minamaneho ni Edwin Marasigan, 38 anyos.

Ginagamot pa sa nasabing ospital ang tatlong pasahero ng Vios, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga