TARLAC CITY – Tatlong hinihinalang drug pusher ang naaresto makaraang maaktuhan sa kanilang pot session sa Block 4, Barangay Ungot, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, inaresto sina Olivia Cano, 39, dalaga, ng Bgy. Ungot; Romano Intal, 39, ng Bgy. Ligtasan; at Francis Dela Cruz, 31, ng Bgy. Ungot, Tarlac City.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang tatlong aluminum foil, disposable lighter, improvised tooter, dalawang transparent plastic sachet na may 0.302 gramo ng hinihinalang shabu, at iba pang paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog