TARLAC CITY - Natigmak ng dugo ang loob ng kapilya ng Jehovah’s Witnesses makaraang magwala ang isang technician at hinabol ng saksak ang dalawang miyembro ng nasabing sekta sa Lansones Street, Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City.

Sa ulat ni SPO3 Ruben Cortez kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, grabe ang natamong saksak sa kaliwang kilikili ni Arnelio Mendoza, 44, bus conductor, ng Bgy. Murcia, Concepcion, habang nakuhang makaligtas at hindi nasaktan ang kasamahan nitong si Johnfer Cristobal, 24, binata, ng Bgy. Burot, Tarlac City.

Ang suspek ay si William Araneta, 39, may asawa, at nagtatrabaho sa isang electronics shop sa Mangga Street sa Bgy. Sapang Tagalog, Tarlac City.

Sa report ni Cortez, nagdaraos noon ng religious worship nang biglang pumasok sa kapilya si Araneta na armado ng patalim at sinugod si Cristobal na agad nakatakbo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, tinangkang umawat si Mendoza, kaya siya ang napagbalingan at nasaksak ng suspek. (Leandro Alborote)