SOLANA, Cagayan – Pinaulanan ng bala ang bahay ng isang re-electionist na konsehal sa bayang ito sa Barangay Basi West.

Sa report ng Cagayan Police Provincial Office, nabatid na dakong 3:30 ng umaga nitong Sabado nang pagbabarilin ang bahay ni Maximo Callueng, na noon ay kasama ang kanyang asawang si Vicky Danao Callueng sa loob ng kanilang silid.

May mga tama ng bala ang dingding at bintana ng bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol