DERRICK copy copy

SIGURO naman naka-recover na si Derrick Monasterio sa galit ni Direk Laurice Guillen sa taping ng Hanggang Makita Kang Muli nang hindi niya magawa ng tama ang dapat niyang gawin.

“Kasalanan ko rin, hindi ko kasi nabasa ‘yung script noong time na ‘yun. Parang dinaanan ko lang ‘yung part ko.

‘Tapos bumaba siya (Direk Laurice) at nagalit. Natakot ako pero may natutunan naman po akong lesson,” sabi ni Derrick.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi na makapagmamalaki si Derrick na isa siya sa cast ng Afternoon Prime na hindi pa napapagalitan ni Direk Laurice dahil nakatikim na siya ng sermon nito. Hindi nakinig si Derrick sa sinabi ni Ina Feleo (anak ni Direk Laurice) na ang importante sa mom niya, alam na ang script kapag nag-report ang artista sa taping.

Anyway, kapag walang taping, busy si Derrick sa pagpo-promote ng self-titled album niya under GMA Records. This Sunday, May 8, nasa Fairviw Terraces siya to seranade his fans. Other schedules are as follows: May 21 (Starmall Bulacan); May 29 (SM Bacoor); Jue 5 (SM Tower Mall); June 11 (SM Baliwag); June 19 (SM Cabanatuan) and June 26 (SM Molino).

“I’m very much excited to promote my album in different malls. At least meron akong chance to meet my supporters at maka-bonding sila even for a short period of time. I hope to have an amazing time with them,” wika ni Derrick.

Puwede nang i-download ang album ni Derrick via iTunesm Amazon Music, eMusic and Qobuz. Ang physical copies ay mabibili sa lahat ng record bars nationwide. Puwede ring mag-order ng album through Lazada.com.ph. (Nitz Miralles)