Sam copy

ITINANGGI ni Sam Milby ang tsikang idini-date niya si Bb. Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa nang mainterbyu namin siya sa thanksgiving presscon ng Doble Kara. 

May nakakita raw kasing magkasama sila sa isang event. Beauty queen killer daw pala si Sam na pawang title holder ang nali-link kasama na si Miss Universe Pia Wutrzbach.

“Si MJ?” kunot ang noong sabi ng singer/aktor. “We have common friends, kaibigan siya nina John (Prats) and Isabel Oli. Nagkataon lang na magkakasama kami that time. Wala naman po.”

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Si Pia ang totoong type ni Sam noon pa, pero pareho silang may karelasyon noon at higit sa lahat, best friend ng Doble Kara leading man ang boyfriend ni Miss U. (Reggee Bonoan)