Conor-McGregor-033116 copy

LOS ANGELES (AP) – Tila nagkasundo na ang UFC management at si Conor McGregor.

Sa pinakabagong mensahe sa kanyang Twitter, sinabi ng kontrobersyal at itinuturing na ‘top grosser’ sa Ultimate Fighting Championship (UFC) na babalik siya sa fight card ng UFC 200 sa Hulyo 9 sa Las Vegas.

“Happy to announce that I am BACK on UFC 200! Shout out to @danawhite and @lorenzofertitta on getting this one done for the fans,” pahayag ni McGregor sa kanyang mensahe na may hashtag #Respect.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Inilabas ni McGregor ang bagong pahayag ilang araw matapos isapubliko ni UFC President Dana White na hindi na kasama sa UFC 200 si McGregor.

Sa kanyang unang mensahe sa Facebook at Twitter, sinabi ni McGregor na retirado na siya sa UFC. Kaagad namang nagpahayag ang UFC sa social media account na inalis na nila si McGregor sa fight card ng UFC 200 na sasabak sana siya sa rematch kontra Nate Diaz.

Kaagad namang binawi ng UCF star ang pahayag at sinabing naipahayag niya ito bunsod ng hindi pagkakaunawaan sa UFC management na aniya’y labis ang panahon na nais para gawin nila ang promotional tour.

Si McGregor ang pinakasikat na fighter ng UFC at tumatabo ang bawat laban nito sa pay-per-view. Ipinapalagay na kumita siya ng US$1 million sa huling laban kay Diaz.

Wala pang pormal na pahayag ang UFC hingil sa pagbabalik ni McGregor sa UFC 200.