Abril 26, 1954 nang simulan ng mga kilalang personalidad mula sa pinakamakakapangyarihang bansa sa mundo ang kanilang pulong sa Geneva, Switzerland sa layuning maresolba ang kaguluhan sa Asia, gaya ng labanan sa pagitan ng mga Vietnamese at mga French nationalist sa Indochina. Ang pulong ay tinaguriang “Geneva Conference.”

Ang masusing negosasyon na nagsimula noong Mayo 8, 1954 ay bunsod ng pagkatalo ng French garrison sa Dien Bien Phu.

Pumayag ang France na pabalikin na ang mga sundalo nitong nakaistasyon sa hilagang Vietnam, at walang tropa na magtutungo sa Vietnam sa susunod na dalawang taon. Hahatiin din ang Vietnam, sa ika-17 parallel.

Sa komperensiya, nalikha ang 10 dokumento. Ang mga ito ay ang anim na unilateral declaration, ang tatlong kasunduang militar, at ang Final Declaration ng Geneva Conference.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Nagdaos din ng eleksiyon ang Vietnam bago sumapit ang Hulyo 1956, upang papag-isahing muli ang nagwatak-watak na nitong bahagi. Hindi nalagdaan ang Final Declaration.