GAPAN CITY, Nueva Ecija - Arestado ang isang 27-anyos na binata matapos niyang tangkaing sunugin ang bahay ng kanyang kinakasama sa Barangay Lambakin sa San Miguel, Bulacan, nitong gabi ng Abril 23.

Sa ulat ni Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Nueva Ecija Provincial Public Safety Company (PPSC), nakilala ang naaresto na si Ryan Ricio Velayo, residente ng nasabing barangay.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong 10:30 ng gabi nang dumating si Velayo sa bahay ni Juanita Jimenez Dimla, 59, biyuda, at hinahanap ang live-in partner niyang si Ronalyn Jimenez Dimla, 30, at nang walang sumasagot sa loob ng bahay ay nagbanta ang suspek ng: “Susunugin ko kayo!”

Kumuha umano ng ilang damit at mga nagkalat na panggatong na kahoy si Velayo at sinilaban ang main door ng bahay ng mga Dimla. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol