Ritz-BeautyPoses-4 copy copy

KUNG hindi magbabago ang plano ay magkakaroon ng storycon para sa sariling serye ni Ritz Azul sa susunod na linggo, kaya guest lang talaga siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi pa ikinuwento sa amin ng aming source kung ano ang istorya ng seryeng pagbibidahan ni Ritz. Nang itinanong naman namin kung sino ang magiging leading man, magandang ngiti lang ang isinagot sa amin.

Hinulaan namin na baka si Paulo Avelino ang leading man ni Ritz dahil bagay din naman sila at nabanggit din ng dalaga na gusto niyang makatrabaho ang aktor bukod kina Coco Martin at John Lloyd Cruz nang mainterbyu namin siya sa set visit ng Ang Probinsyano.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Nagkuwento rin ang source na natutuwa kay Ritz ang lahat ng production staff ng serye ni Coco dahil masunuring bata at hindi showbiz, kaya kinagigiliwan siya ng mga nakakasama at nakakatrabaho niya.

Kaya nanghihinayang tuloy ma guesting lang at hindi puwedeng i-extend ang papel ni Ritz bilang Erica sa Probinsyano.

“Kasi, di ba, bibigyan siya ng sarili niyang serye.”

Oo nga naman, kaya Bossing DMB, I’m sure masaya ka for Ritz.

(Good karma. --DMB) (REGGEE BONOAN)