TOKYO (AFP) – Matagumpay na lumipad ang unang stealth fighter jet ng Japan nitong Biyernes sa paghilera ng bansa sa mga piling grupo ng military powers na gumagamit ng radar-dodging technology.

Isa ang technological super power Japan sa mayroong most advanced defence forces sa mundo at nag-develop ng stealth fighter sa harap ng hamon sa seguridad sa pagpapalawak ng puwersa ng China.

Lumipad ang X-2 jet mula sa Nagoya airport sa central Japan sa unang test flight nito habang nanonood at pumalakpak sa ibaba ang ilan dosenang aviation enthusiast, kahapon ng umaga.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo