Shaina at Matteo copy

MAGBABALIK ang Single/Single, ang breakthrough series ng Cinema One tampok sina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli, para sa season 2 na magsisimula sa Mayo 15, 10 PM.

Sa media launch nitong nakaraang Huwebes sa Restaurant 9501 sa ABS-CBN, ibinahagi ng cast na sa season 2 ng serye, magli-level-up ang entertainment at relevance sa bagong henerasyon na kung tawagin ay millennial. Hindi rin syempre mawawala ang katatawanan at kilig vibes na minahal ng mga manonood sa season 1.

Ang kauna-unahang proyekto ng Cinema One at ng The Philippine Star na Single/Single ay nakatuon sa iba’t ibang issue tulad ng quarter-life crisis at relationship dilemmas na nararanasan ng millennials.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Itutuloy ng season 2 ang pagsasama ng kapangyarihan ng cable at print media upang ihatid sa Filipino millennials ang mga aral tungkol sa “how to be an adult.”

Sa season na ito, magkakaroon ng importanteng bahagi ang social media sa pagpapapalaganap ng diskusyon sa millennials. 

Nagbabalik sa serye si Cherie Gil na gaganap bilang single mom ni Matteo, ang award-winning Cinema One Originals actress na si Anna Luna bilang career-driven buddy ni Shaina, at ang theater actor na si Brian Sy bilang bading na kaibigan ni Shaina.  

Ang Single/Single ay mula sa panulat ng Palanca winner na si Lilit Reyes at sa direksiyon ng international award-winning independent cinema director na si Pepe Diokno, at produced ni Bianca Balbuena, na kamakailan ay napasali sa panel ng Berlinale Talents.

Ang mga episode ng bagong season ay lalabas sa Cinema One tuwing Linggo, 10 PM. Magkakaroon din ng replays tuwing Miyerkules at Sabado, 9PM. Mapapanood din sa PhilstarTV.com ang episodes.

Ang Cinema One, ang numero unong cable channel sa bansa, ay napapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 57.