Janine copy

MAGKAPAREHO na ang sitwasyon nina Julie Anne San Jose at Janine Gutierrez, pareho na silang may bashers.

Ang bashers ni Julie Anne ay ilan sa AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi matanggap na may panahong naging close sina Alden at Julie Anne.

Ang bashers naman ni Janine ay fans nina Julie Anne at Elmo Magalona. Gaya sa ilang AlDub fans, hindi matanggap ng JuliElmo fans na si Janine ang nakatuluyang maging girlfriend ni Elmo at hindi ang unang ka-love team nitong si Julie Anne.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Simula nang maging magkarelasyon sina Elmo at Janine, hindi na tinigilan si Janine ng pamba-bash. ‘Katuwa lang ang sinasabi ng ibang haters niya na si Janine ang nanligaw kay Elmo. At ang pinakamatindi, hindi sila bagay dahil mas matanda siya kay Elmo.

May nang-iinis pa na “ate” o “tita” ang tawag kay Janine, pero lalo silang maiinis dahil dedma sa kanila si Janine.

Hindi nawala ang pagkainis ng bashers kay Janine kahit lumipat na sa ABS-CBN si Elmo at ipinareha na si Janine kay Aljur Abrenica sa primetime series ng GMA-7 na Once Again.

“Noong una, nagre-react ako, pero nasanay na rin ako at hindi ko na lang sila napapansin. Hindi rin naman sila titigil ‘pag nag-react ako, let them be, basta ang alam ko wala akong ginagawang masama sa kanila at alam ko kung ano ang totoo,” sagot ni Janine nang tanungin naming tungkol dito.

Aniya pa, sa halip na pag-aksayahan ng oras ang bashers niya, itinutuon na lang niya ang panahon niya sa kanyang career.

“Priority ko ngayon ang Once Again at kailangang mag-work ang team up namin para sa show. We’ve worked before sa Dangwa at maganda ang reception ng viewers and with a good story and with Direk Don Michael Perez, I’m sure, magiging maganda ang pagtanggap ng viewers sa show.

Magpa-pilot ang Once Again sa May 2, kapalit ng That’s My Amboy. Balik-primetime si Janine after More Than Words, ganu’n din si Aljur na ang huling primetime ay ang Kambal Sirena. (Nitz Miralles)