conor copy copy

McGregor, sumuko na sa UFC via Twitter; Rematch kay Diaz, ibinasura.

LAS VEGAS (AP) – Normal kay Conor McGregor ang manggulat sa mga karibal.

Ngunit, sa pagkakataong ito, panghihinayang ang nadama ng mixed martial arts fans sa buong mundo sa kanyang pagreretiro sa edad na 27.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Ipinahayag ni MgGregor, ipinapalagay na pinakamagilas at pinakamabentang fighter sa kasaysayan ng UFC, ang pagreretiro sa octagon via Twitter nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

“I have decided to retire young. Thanks for the cheese. Catch ya’s later,” pahayag ng UFC featherweight champion sa kanyang Twitter account na palasak ngayon sa social networking.

Wala pang pormal na pahayag na inilabas ang kampo ni McGregor hingil dito, ngunit mabilis ang naging tugon ng UFC management.

Kaagad na naglabas ng pahayag si UFC president Dana White at sinabi na hindi na matutuloy ang rematch ni McGregor kay Nate Diaz sa UFC 200 sa Hulyo.

Itinanggi ni White sa panayam ng ESPN ang pagreretiro ni McGregor, subalit sinabi niyang inalis na nila sa fight card ng UFC 200 ang kampeon bunsod ng kabiguan nitong makilahok sa isinasagawang pre-fight promotional appearance sa Las Vegas.

“Is Conor McGregor retiring? Only he can answer that question,” pahayag ni White sa ESPN.

“I don’t know. But he will not be a part of UFC 200,” aniya.

Ayon kay White, inaayos na nila ang bagong line-up para sa main event kung saan mananatili si Diaz sa fight card.

Kabilang din sa naunang line-up na mananatili, ayon kay White, ang duwelo para sa interim featherweight championship sa pagitan nina Jose Aldo at Frankie Edgar, gayundin ang pagdepensa ni Miesha Tate sa women’s bantamweight title kontra Amanda Nunes.

Ginulat ni Diaz ang MMA world nang gapiin si McGregor via submission sa second round ng kanilang welterweight bout noong Marso 5 sa UFC 196. Naitala ang laban bilang pinakamabentang MMA duel sa pay-per-view.

Sa naturang kabiguan, naputol ang 15-fight winning streak ng Irish superstar.

Ngunit, kaagad na huminge ng rematch si McGregor na kaagad namang isinaayos ng UFC. Ngunit, tila wala nang magaganap na rematch.

Matapos pag-usapan ang naging pahayg ni McGregor, nagbiro rin sa kanyang mensahe sa Twitter si Diaz.

“I guess my work here is done I’m retiring too,” aniya.

Nakisama rin sa biruan ang coach ni McGregor na si John Kavanagh, na nagpahayag ng mensahe sa Twitter na “Well was fun while it lasted.”

Kasunod nito, nag-post din si Kavanagh ng larawan ni WWE Hall of Fame manager Jimmy Hart na may caption na “New job uniform,”.