Isang dating vice mayor ang tinambangan at napatay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Pandi, Bulacan nitong Lunes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Roberto Ruben Rivera, dating bise alkalde ng Pandi, matapos siyang pagbabarilin sa Barangay Manatal sa Pandi.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay sa kanyang pick-up truck si Rivera at pauwi na nang lapitan ng suspek na nasa loob ng sasakyan, binuksan ang pinto sa kanyang tapat at saka siya pinagbabaril.

Nagtamo ng tatlong bala ng .45 caliber pistol sa ulo at dalawa sa katawan ang biktima.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang palayo sa krimen ang suspek at sumakay sa tricycle.

Nabigo naman ang driver ni Rivera na makilala ang suspek, na may saklob sa ulo at nakasuot ng sunglasses.

Pinag-aaralan ng pulisya kung pulitika ang nasa likod ng pagpatay kay Rivera, na nanungkulan ng dalawang termino bilang bise alkalde ng Pandi noong 1992 at 1995. (FER TABOY)